IIMBESTIGAHAN ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagtrato ng militar bilang ‘tropeo’ sa labi ng napatay na sinabing medic ng New People’s Army (NPA) na anak ng Bayan Muna solon sa Marihatag, Surigao del Sur.
Binatikos ng iba’t ibang grupo at ng pamilya ni Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat ang pag-pose ng mga sundalo sa tabi ng labi ng kanyang anak na si Jevilyn na iniulat ng military na napaslang sa umano’y 45-minutong pakikipagsagupaan sa militar.
“It is a cause for concern when representatives of the government treats the death of another Filipino as victory… In instances when armed atrocities are inevitable, we trust that all involved parties adhere to international humanitarian law (IHL) in limiting the effects of armed conflict,” ani CHR spokesperson Jacqueline Ann de Guia sa isang kalatas.
“We cannot find good reason in posing for photos with the lifeless body of Jevilyn Cullamat, alongside seized firearms and communist flags,” pahayag ng tagapagsalita ng CHR.
Kinondena ng Makabayan bloc ang lantarang paglabag ng militar sa International Humanitarian Law sa pambabastos sa bangkay ni Jevilyn na ipinakalat ang mga larawan na nakahawak ng armas at ibinandera ng mga sundalo kasama ang mga nakompiskang paraphernalia.
“The soldiers did not only disrespect her remains but even used it like a trophy for propaganda purposes,” anang Makabayan bloc.
“We continue to encourage government to genuinely respect the human rights of all – at all times, in all places – as it has claimed to do so in different domestic and international platforms,” ani De Guia.
Tinawag ni Bayan secretary-general Renato Reyes, Jr., sobrang ‘kahayupan’ ang ginawang pagtrato ng militar sa bangkay ni Jevilyn.
“Anoman ang paniniwala ng isang tao, may kasalanan man sila sa batas, hindi dapat binababoy nang ganyan ang kanilang mga labi. Sobrang kahayupan. Magtataka pa ba kayo kung bakit hindi natatapos ang armadong tunggalian sa bansa?” pahayag ni Reyes.
“We should start calling it for what it is – a war crime. The picture says it all,” giit ni Reyes.
“Nais ng rehimen na gawing katangap-tanggap na patayin ang mga adik, mga aktibista, mga rebelde, nang walang pasubali at wala ni-katiting na karapatan. Patayin sila kahit na walang laban. Patayin kahit senior citizens na walang armas. Iparada ang mga bangkay ng napatay, at gamitin para sa propaganda. Babuyin ang alaala ng mga pinaslang. Gipitin ang kanilang pamilya. Walang human rights, walang international humanitarian law. Utos daw ng Pangulo.
Pero alam n’yo, ‘yan din ang dahilan kung bakit ang mga pasista, sa kabila ng pagyayabang nila, ay hindi mananalo,” pahayag ni Reyes sa kanyang paskil sa Facebook. (ROSE NOVENARIO)
0 Comments