Header Ads Widget

Sa BataanUNVAXXED BAWAL LUMABAS NG BAHAY, BAWAL SA PUVs

Bataan

INAPROBAHAN ng Sangguniang Panlalawigan ng Bataan ang isang ordinansang naglilimita sa paggalaw ng mga indibiduwal na hindi bakunado laban sa CoVid-19.

Nilagdaan ni Bataan Gov. Albert Garcia ang Provincial Ordinance No. 2 Series of 2022, na ipinagbabawal ang paglabas ng bahay at pagsakay sa mga pampublikong transportasyon ng mga hindi bakunado.

Gayonman, exempted rito ang mga nangangailangan ng essential goods at services ngunit dapat magpakita ng katibayan na masusuportahan ang dahilan sa paglabas o paglalakbay.

Sakop ng regulasyon ang mga hindi residente ng Bataan na nagtatrabaho at naglalakbay sa lalawigan.

Samantala, mahaharap ang mga lalabag sa ordinansa sa multang P5,000 o pagkakakulong ng hindi hihigit sa isang taon, o pareho, batay sa pagpapasiya ng hukuman. (MICKA BAUTISTA)

Check Also

gun ban

ARESTADO ang isang lasing na lalaki matapos isumbong sa mga awtoridad kaugnay sa ginagawang pagwawala …

Emmanuel Maliksi Tito Sotto Ping Lacson 2

HINDI napigilan ni presidential candidate, Senator Panfilo “Ping” Lacson ang kanyang sarili na pasaringan ang …

dead gun

PATAY ang dalawa sa apat na nangholdap ng gasolinahan nang manlaban sa mga nagrespondeng awtoridad …

Eduardo Ano

HINDI pinaboran ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang …

Leila de Lima

IMINUNGKAHI ni reelectionist Senator Leila de Lima sa papasok na bagong administrasyon, kasunod ng pagrerekober …

Post a Comment

0 Comments