Header Ads Widget

Delihensiya ni aktor matitigil ‘pag minalas si gay lover sa eleksiyon

HATAWAN
ni Ed de Leon

KABADO ang male star dahil hindi man lang nababanggit sa mga survey ang lover niyang gay politician. Mukha ngang malabo ang chances niyon na manalo sa Mayo. Hindi naman makatulong si male star sa kampanya para sa kanya, dahil alam na nga nilang natsitsismis na ang

kanilang relasyon, at kung magkakampanya pa siya, baka “bingo” na ang kalabasan nila.

Kung hindi mananalo ang kanyang gay politician lover, wala na siyang delihensiya, eh siya pa naman ang inaasahan ng buong pamilya niyang wala namang kinikita. Bagsak din naman ang itinayo niyang negosyo. Talagang ang gay politician lang ang bumubuhay sa kanila.

Oras na malasin iyon, kailangang maghanap ng iba pang mga bading ang

male star kung gusto niyang mapanatili ang marangyang buhay niya.

Nangyari na rin naman sa kanya iyan eh. Mayroon din siyang gay politician lover, na nang matalo ay binitiwan din siya. Noon bata pa siya at mas malakas ang appeal. Ngayon medyo matanda na rin siya at

mahihirapan na rin siyang makakita ng madatung na bading.

Post a Comment

0 Comments