Header Ads Widget

Gin at tequila panlaban ni Gretchen sa Covid

ni JOHN FONTANILLA

IBINAHAGI ni Gretchen Barretto sa kanyang Instagram account ang sikreto kung bakit ‘di siya nagkaka-Covid kahit lagi siyang nasa labas.

Nag-post nga ito sa kanyang IG  ng isang video na ini-explain kung ano-anong pangontra niya sa Covid at ito ay isang brand ng honey at hard drinks na gin at tequila.

Aniya, “Some people tell me that ‘di raw ako kinakapitan ng virus, because I drink gin or tequila. 

“I’m not promoting alcohol. But I’m just saying drink mode­rately. I still do that in spite of my allergy.”

Dagdag pa nito, “I still take a shot or two of alcohol every thirty mi­nutes sabay tawa, No  kidding, every hour.”

Bukod sa advice nito ay gumagamit din siya ng isang device na tinatawag na Covid Zapper ng Rife Bio-Resonance Therapy.

Isa pa sa nagpapasaya kay Gretchen ngayon ay ang pamamahagi nito ng kanyang Love Box na naglalaman ng groceries at bigas sa mga taga-industriya.

Post a Comment

0 Comments