KAKAIBA ang pelikulang Coming Home sa mga dating ginawa ni Senator Jinggoy Estrada. Medyo heavy drama ito nagkasakit siya at isinauli ng kabit sa tunay na asawa. Rito tatakbo ang istorya na ginampanan ng mabibigat na artista kasama ang mga baguhan na hindi naman nagpatalbog sa mga beterano.
Kaya smooth ang shooting na walang naging sakit ng ulo ang director na si Adolf Alix, Jr.
Gaya ni Jake Ejercito na first time humarap sa camera ng pelikula. Noon pa man ay gusto na ni Jake ang sumabak sa showbiz pero hindi pinayagan ng ama at gusto ay tapusin muna ang pag-aaral. Kaya ngayong tapos na siya ay malaya na siyang gawin ang gusto niya.
Kaya nama ratsada si Jake sa TV5 na isa siya sa mga host ng kanilang Sunday noontime show.
Ang Coming Home ay isa sa mga kalahok sa upcoming Metro Manila Film Festival this coming Dec 25.
COOL JOE!
ni Joe Barrameda
0 Comments