
SOBRANG natuwa ang Cineko nang pumatok sa takilya ang Mang Kepweng Returns kaya gumawa muli sila ng sequel nito. Ang Mang Kepweng : Ang Lihim ng Bandanang Itim.
Ani Vhong Navarro sa virtual conference noong Martes ng gabi, “Baby raw po ng Cineko sa pagpo-produce ay ang Mang Kepweng kaya mula noon nag-promise po sila na gagawa ng part 2. Kaya naman po ang Cineko at Star Cinema ay nagsama para mas pinalakas, mas pinaganda itong ‘Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim.’”
Sinabi naman ni Jaclyn Jose, gumaganap na ina ni Vhong sa pelikula, “ang pelikula kasi ng Mang Kepweng ay hango ssa dating pelikulang Mang Kepweng na lalong pinaganda at pinalawak at iyong kultura ng albularyo ay nakapaloob sa unang pelikula dahil si Mang Kepweng ay isang albularyo.
“Kaya naman si Vhong ang napili, feeling ko, siya ‘yung sa generation ngayon that can adopt kay sir Chiquito. Napanood ko ‘yung original noong bata pa ako sa sinehan, at masasabi ko, na he can play sir Chiquito in this generation.”
Idinagdag naman ni Joross Gamboa na, “sa generation po kasi ngayon bihira na lang ang guwapong artista na sanay gawing caricature ang kanilang hitsura. Kaya si Vhong medyo exceptional siya dahil ‘yung iba gusto lang papogi pero siya talagang hindi siya nahihiyang papangitin siya kahit sobrang gwapo niya. Kaya niyang mag-ala Jim Carrey looks.”
Ang Mang Kepweng: Ang Lihim ng BandanangItim, ay ang official entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2020 ng Cineko Productions at Star Cinema. Idinirehe ito ni Topel Lee.
Kasama sa Pinoy fantasy horror-comedy film na ito sina Fumiya Sankai, Yamyam Gucong, Lotlot de Leon, Margo Midwinter, Alora Sasam, Rubi Rubi, Chad Kinis, Petite, Caloy Alde, Nikko Natividad, Lou Veloso, Mariko Ledesma, Kaladkaren, Patricia Roxas, Ritz Azul, Ion Perez, Ryan Bang, Benjie Paras, Barbie Imperial, at ang magaling na aktres na si Jaclyn.
Taong 1970-1980 sumikat ang Mang Kepweng na tinampukan ng late comedian na si Chiquito kaya naman proud na proud si Vhong na maganpanan ito.
“Isang karangalan na bigyang buhay muli ang isa sa mga pinakasikat na karakter na ginampanan ni Papang (Chiquito),” giit niya. “Sobrang proud ko rito.”
Mapapanood ang Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim sa http://upstream.ph simula December 25, Christmas Day. Gamitin ang inyong GMovies account, na mabibili ang tiket sa halagang Php 250.00each.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
0 Comments