Header Ads Widget

Ex-Christian seminarian Kiko Ipapo, bida sa BL series na Happenstance

FORMER seminarian ang 21 year-old lead actor na si Kiko Ipapo, sa Pinoy BL series titled Happenstance.

He is soon to be married but he calls his would be wife as “asawa” since they already have a baby.

Parehong may ex sina Kiko at ang kanyang fiancée bago sila nagkakilala at na-in-love sa isa’t isa sometime in the year 2018.

Seminarian siya but he made it clear that being a priest is not one of his passions.

“Iba po ang pari sa pastor. Ang pari po ay para sa Catholic religion, at ang pastor ay para sa Christian religion,” he made it clear.

But why did he enter the seminary and why did he last for six months only?

“Pangarap ko po rati na maging public speaker or pastor when I was 16,” he asseverated.

“Dumating ‘yung opportunity na ‘yon noong 20 na po ako dahil in-offer-an po ako ng kapatid ng lolo ko na mag-seminary for one year, basic Bible course.

“Nakapasa po ako, taking the course of Biblical studies. That time, buntis po ‘yung asawa ko and nanganak po siya noong October 2019.

“So, need ko pong mag-full time sa work. Lumabas po ako ng December.

“Inuna ko po ang mag-work to be a good provider sa wife and baby, and para makasama sila at maalagaan.

“Pero kung may opportunity po ako na bumalik, gusto ko pong tapusin ‘yung course ko dahil masaya po sa seminary and sobrang daming benefits doon, plus knowledge, experience, and spiritual fulfillment.”

Nag-aral si Kiko ng Restaurant and Bar Operations/Bartending. Taxi driver ang kanyang ama at ang kanyang ina ay dating Literature teacher.

Sa first wave ng pandemic, hindi raw niya kasama ‘yung wife at daughter niya.

Nag-online audition raw siya sa BL series na Happenstance, at suwerteng sila ni Jovani Manansala ang napiling mga bida.

Mayroon silang intense at intimate scenes.

Ang nine-part BL series na Happenstance ay idinirek ni Adolf Alix, Jr., mula sa panulat ni Jerry B. Gracio.

Nagkatrabaho na sina Adolf at Jerry sa pelikulang Muli (2010) na pinagbidahan nina Sid Lucero at Cogie Domingo.

Just like the nine-episode Unlocked anthology, ipalalabas ang Happenstance sa Gagaoolala — on or before the first week of December.

Nag-ugat ang seryeng ito sa isang online article na nabasa ni Direk Adolf, tungkol sa isang babaeng may natagpuang love letters sa kisame ng bahay na nilipatan niya.

As the story goes, parehong heartbroken ang mag-inang Vivian (Rosanna Roces) at Wade (Kiko Ipapo).

Sad si Wade dahil sa pagtataksil ng kanyang karelasyong si Eric (Saviour Ramos).

Nagkataong Marso 2020, while Rosanna and Wade were vacationing, naabutan sila ng quarantine dahil sa pandemya.

Dahil sa supermoon, sa pamamagitan ng salamin, nagkatagpo sina Wade at Jose Manuel (Jovani Manansala) while they were in the year 1974.

Grounded si Jose Manuel ng amang militar (Allan Paule) matapos madiskubre ang relasyon niya sa aktibistang si Luis (Shu Calleja).

Itinadhana bang masumpungan nina Wade at Jose Manuel ang isa’t isa upang mapaghilom ang kumikirot na sugat sa kani-kaniyang puso at kaluluwa?

Part rin ng cast nito sina Bembol Roco, Angeli Bayani, Erlinda Villalobos, at Ken Anderson.

Aware si Direk Adolf sa South Korean film na Il Mare (2000) na ni-remake ng Hollywood bilang The Lake House (2006), at tila inspirasyon din ng Pinoy movie na Moments of Love (2006), na ang dalawang pangunahing karakter ay nasa magkaibang timeline.

The year 1974 was the time of President Marcos and martial law, while 2020 is President Duterte’s time and CoVid-19.

Bagama’t may political undertones ang pelikula pero mas nangingibabaw pa rin rito ang kuwento ng mahiwagang pag-ibig.

“Atin Lang” is the theme song of the BL series, a composition of Mikoy Morales that he himself sang. Mikoy is also the musical scorer of the film.

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

Post a Comment

0 Comments